Mga ideyolohiya at aral ni Dr. Jose Rizal, patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang bawat Pilipino na patuloy na isabuhay ang mga aral at ideyolohiya ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sa kaniyang mensahe sa ika-128 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Rizal, iginiit ng lider ng Kamara na sa larangan man ng edukasyon, agham, pamamahala o serbisyo publiko ay nakikita natin ang diwa ng kabayanihan ni Rizal sa bawat Pilipinong naglilingkod para sa ikabubuti ng bayan.

“His ideals of patriotism, courage and commitment to the Filipino people continue to inspire and guide us as we navigate the challenges of our time….On this day, let us not only remember Rizal’s sacrifice but also strive to embody his ideals. Magsilbi tayong liwanag para sa isa’t isa at magkaisa para sa mas maganda, maginhawa at masaganang bukas.” ani Romualdez

Punto niya, na higit sa mga akda ni Rizal na naglantad sa mga suliranin ng lipunan noong kanyang panahon ay ipinamulat niya sa atin ang kahalagahan ng edukasyon, pagmamalasakit sa kapwa at ang pagiging makabayan bilang mga pundasyon ng isang malayang bayan.

Dagdag pa niya, na ang tunay na pagmamahal sa bansa ay naipapamalas hindi lamang sa salita kung hindi sa pagkilos para sa mas maayos at mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan.

Kaya sa Kongreso ay tinitiyak aniya nila na ang mga batas na pinagtitibay ay tumutugon sa pangarap ni Rizal na magkaroon ng makatarungan at maunlad na lipunan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us