Mga mamimili, dagsa na sa bentahan ng prutas sa Litex Market ngayong bisperas ng Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang dagsa na ang mga mamimili sa Litex Market para mamili ng mga bilog na prutas na pinaniniwalaang may bitbit na swerte ngayong pagsalubong ng 2025.

Kabilang dito si Nanay Merilyn na kinukumpleto raw talaga ang 13 iba’t ibang klase ng bilog na prutas para mas maging bwenas ang pasok ng Bagong Taon.

Aniya, kahit tila ‘ginto’ ngayon ang presyo ng ilang prutas gaya ng grapes at melon, bubuuin niya pa rin ang 13 prutas dahil tradisyon na nila ito sa pamilya.

Si Kuya Edward, praktikal lang daw kaya ilang prutas lang gaya ng apple, peras, at grapes ang binili.

Sa ngayon, narito ang presyo ng ilang prutas sa Litex Market sa Quezon City:

Apple – ₱50 para sa tatlong piraso
Peras – ₱50 para sa tatlong piraso
Orange – ₱50 kada balot
Lemon – ₱20 kada piraso
Watermelon – ₱150- ₱200 kada piraso
Melon – ₱100 kada piraso
Grapes – ₱240 kada kilo
Green Grapes – ₱350 kada kilo
Kiat kiat – ₱60 kada balot

Masaya naman ang mga tindera ng prutas sa Litex Market at umaasang magtutuloy-tuloy ang magandang kita ngayong bisperas ng Bagong Taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us