Mga nagpapakalat ng takot o maling impormasyon, maituturing na banta sa kalusugan ng publiko, ayon sa isang House leader

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala si House Deputy Majority Leader Janette Garin, laban sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng isang doctor bilang fake expert.

Ayon kay Garin, ang mga nagpapakalat ng takot sa medisina ay seryosong banta sa kalusugan ng publiko at dapat labanan ang paglaganap ng wellness related fake news.

Sa kanyang privilege speech , tinukoy ni Garin si Dr. Tony Leachon sa kanyang mga maling impormasyon, intriga sa publiko, o ang tinatawag na “infodemic”.

Ang infodemic ay impormasyon upang i-mislead ang publiko gamit ang digital media at magdulot ng pagkalito at panganib sa mga mga tao.

Ito ay ukol sa open letter na pinadala ni Leachon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagsasabing hindi prioridad ng kasalukuyang administrasyon ang healthcare ng bansa.

Diin ng lady solon, unfair para akusa sa kasalukuyang gobyerno ang pagkukulang at pagkakamali ng nakaraang administrasyon sa pangangasiwa ng PhilHealth. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us