Pumalo sa mahigit 12,000 katao ang nabigyan ng agarang tulong ng Department of Justice (DOJ) Action Center para sa taong 2024.
Sa report ni DOJ Action Center Program Director Joan Carla Guevarra, pumalo sa 12,879 na mga reklamo ang inilapit sa kanila.
Mas mataas ito ng limang beses kung ikukumpara sa 2,815 na mga reklamo na idinulog noong nakaraang taon.
Sa 12,879 na idinulog sa Action Center, nasa 7,632 ang mga kaso na nangangailangan ng pagtugon habang ang notarization services ay nasa 4,184 at 2,619 ang nabigyan ng mga endorsement at referrals.
Ang iba pang serbisyo na naibigay ng DOJ Action Center ay ang mediation, paghahanda ng mga legal documents, at ang pagbubuo ng Katarungan Caravan.
Ang DOJ Action Center ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez. | ulat ni Mike Rogas