Mga netizens, bumati kay PBBM at First Family ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinagsa ng pagbati sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang bumubuo ng First Family nitong nagdaang araw ng Kapaskuhan.

Pero bukod sa pagbati ng “Maligayang Pasko” ay marami ding mga netizen ang nagpahayag ng kanilang hangad para sa Punong Ehekutibo ng lakas at mabuting kalusugan para sa susunod na taon pa nito sa paglilingkod sa sambayanan.

Dagdag na katalinuhan naman ang hiling ng ibang mga netizen para sa Pangulo sa gitna ng ginagawa nitong pangunguna sa bansa.

Ang iba naman ay nagpaabot ng pasasalamat kay Pangulong Marcos dahil sa ipinakita nitong dedikasyon at mahusay na ginagawang pamamahala at pamamalakad sa gobyerno.

Ang iba naman ay nagpahayag ng katuwaan sa patuloy na pagsisikap ng Pangulo na maihatid, hindi lamang ang saya kundi ang PAGKAKAISA.

Tema naman ng pasasalamat ng ibang netizen ang aniya’y malinaw na hangarin ng Pangulo sa Pilipinas at isa na rito ang ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas na para sa mga Pilipino.

Salamat din aniya sa walang sawang pagmamalasakit ng Chief Executive habang ang iba’y ipinagpapasalamat kay Pangulong Marcos Jr. ang pagiging mas mabuting muli ng Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us