Nag courtesy call kay Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules ang ilan sa matataas na opisyal ng BARMM.
Kabilang sa bumisita sa House leader sina Chief Minister Ahod Ebrahim, Bangsamoro Transition Authority Speaker Pangalian Balindong at Minister Mohagher Iqbal.
Napagusapan sa kanilang pulong ang panukala ngayon sa Kamara na House Bill 11034, na layong iurong ang unang BARMM elections mula May 12, 2025 sa May 11, 2026.
Sa pagsalang naman ng panukala sa deliberasyon sa plenaryo iginiit ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sponsor ng panukala, na isa sa konsiderasyon ng pagpapaliban ng halalan ay ang desisyon ng Supreme Court na hindi na kasama ang Sulu sa BARMM.
“The proposed measure, Madam Speaker, provides that the first regular parliamentary elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao or BARM shall be held on the second Monday of May 2026, with subsequent elections to follow every three years thereafter. This timeline ensures a smooth transition while adhering to democratic principles and fostering political stability in the region.” sabi ni Adiong.
Paglilinaw ni Adiong, bagamat mapapalawig ang transition period ng Bangsamoro Transition Authority, oras na maisabatas ang panukala, ay mag eexpire na ang termino ng mga kasalukuyang miyembro ng BTA.
Ang pangulo ng bansa ang pipili ng 80 parliament members na pansamantalang gagampan ng mga tungkulin hanggang sa may mahalal nang mga opisyal sa 2026.
“the term of the current Bangsamoro Transition Authority, or BTA, will be deemed expired upon the effectivity of this law. To maintain governance continuity, the President shall appoint 80 new interim members of the BTA who shall serve in their capacity under their duly elected successor’s assumed office. This provision ensures that governance in the BARM remains uninterrupted during the extended transition period, providing the region with the leadership and representation necessary to finalize fundamental reforms and prepare for its first regular elections.” paliwanag pa niya.
Diin pa ni Adiong, hindi ito banta sa demokrasya, bagkus ay pagtiyak lamang ng ikatatagumpay ng BARMM.
“This extension is not a delay of democracy, but a guarantee of its success in the Bangsamoro region.” wika pa ni Adiong. | ulat ni Kathleen Forbes