Dagsa na ang mga pasahero sa BFCT terminal sa lungsod ng Marikina, dalawang araw bago ang Pasko.
Alas-3 pa lang ng madaling araw, may mga pasahero nang nagaabang ng kanilang mga masasakyang bus patungong lalawigan, partikular na sa Visayas area.
Puno na rin ng mga bagahe ang waiting area ng terminal, kaya’t nakatayo na lamang din ang ilang mga pasahero dahil kulang ang upuan.
Bukod sa limitado lamang ang mga bumibiyahing bus dahil sa kakulangan ng special permit mula sa LTFRB, bahagyang naaantala rin ang biyahe ng mga ito bunsod ng pagkaantal ng mga barko sa pantalan.
Kabilang sa mga bumibiyahing bus sa BFCT ay patungong Iloilo, Aklan, at Antique. | ulat ni Jaymark Dagala