Limang araw bago ang Pasko, maagang naipon ang mga pasahero sa BFCT Terminal sa Lungsod ng Marikina.
Ito ay dahil sa hindi nasusunod ang oras ng biyahe ng mga bus dahil sa delayed na pagdating nito sa Terminal.
Ayon sa isang dispatcher ng BFCT, kulang ang mga bus na bumibiyahe rito dahil hindi nabigyan ng special permit ang kanilang mga bagong yunit.
Dito sa BFCT Terminal, maaaring sumakay ang mga biyaheng Iloilo, Aklan, at Antique kaya’t umaapela ang pamunuan nito sa mga pasahero ng pang-unawa.
Sa kabila nito, inaasahan ng pamunuan ng BFCT Terminal sa Marikina ang pagdating ng mas maraming pasahero ngayong weekend dahil tapos na ang trabaho at hahabol na ang iba sa pag-uwi sa probinsya.
Kasalukuyan, hindi pa fully booked ang biyahe sa BFCT dahil marami sa mga dating sumasakay dito ang lumipat sa PITX dahil nalipat din doon ang biyahe ng ilang mga bus. | ulat ni Jaymark Dagala.