Ngayong Sabado, patuloy ang dagsa ng mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, lalo na’t papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.
Sa tala ng terminal, umabot sa 203,511 na pasahero ang kabuuang dumaan kahapon, Disyembre 20. As of 8:00AM ngayong Sabado, naitala na ang 27,858 pasahero, habang pumalo na ito sa 89,525 pagdating ng 1:00 PM.
Samantala, maraming biyahe patungong Bicol ang fully booked na, kabilang ang mga destinasyon gaya ng Legazpi City, Daet, at Naga. Ang mga kompanyang tulad ng DLTB, Bicol Isarog, at Peñafrancia ay nag-ulat na ng halos puno nang mga fixed at extra trips.
Sa mga security checkpoint naman sa terminal, nasa 166 na items ang nakumpiska mula Disyembre 16 hanggang 20, kabilang na ang 65 lighter, 35 cutter blade, at 26 butane gas canisters.
Samantala, inaasahang aabot sa 180,000 hanggang 200,000 ang bilang ng mga pasaherong dadaan sa terminal ngayong araw ng Sabado. | ulat ni EJ Lazaro