Mga pensioner na naka iskedyul ngayong Disyembre, pinagsusumite na ng ACOP Compliance ng SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagsusumite na ng Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) compliance ang mga pensioner na naka iskedyul para sa buwan ng Disyembre 2024.

Sa abiso ng Social Security System (SSS), maaari nang isumite ang kanilang ACOP Compliance bago matapos ang buwan.

Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng kanilang monthly pension.

Paalala ng SSS, kailangang mag-submit ng dalawang magkaibang ACOP pensioners reply form ang retirement pensioners na death at survivor pensioner.

Maging ang mga pensioner na nakatira sa ibang bansa, total disability pensioners, death survivorship pensioners, dependent children’s under guardianship ay obligado na magsumite ng ACOP compliance.

Tuwing birth month, pinagsusumite ng SSS ng ACOP ang mga pensioner. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us