Mga rice retailer sa Pasig City Mega Market, hati ang opinyon sa pagbababa sa mga palengke ng murang bigas na ibinebenta sa KADIWA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hati ang pananaw ng ilang mga nagtitinda ng bigas sa Pasig City Mega Market sa plano ng Department of Agriculture (DA) na ibaba sa mga palengke ang ₱42 na murang bigas na ibinebenta sa KADIWA.

Ayon sa ilang mga nagtitinda, bagaman nauna na silang magbenta ng ₱42 na murang bigas, may agam-agam pa rin sila dahil posibleng maka-agaw ito ng kanilang benta.

Gayunman, may ilang nagtitinda namang pabor dito dahil sisigla ang kompetisyon sa mga nagtitinda ng bigas lalo’t mayroon na anilang magdidikta ng presyuhan.

Welcome naman ito sa mga mamimili dahil dadami ang kanilang mapagpipiliang bilhan ng murang bigas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us