Ilang oras na lamang bago ang pagpapalit ng taon, sinasamantala na ng ilang nagtitinda ng torotot at iba pang paingay ang pagkakataon upang makabenta ng malaki.
Sa Pasig City Mega Market halimbawa, may ilang nagtataas na ng presyo ng mga panindang torotot upang makabawi sa kanilang puhunan.
Ayon sa ilang mga nakapanayan ng Radyo Pilipinas, mas mabenta ang mga paingay noong isang taon kaysa ngayong taon dulot na rin ng masamang panahon.
Idagdag pa riyan ang pagtitipid ng ilan nating kababayan dahil sa mahal na presyo ng mga bilihin.
Ang large na torotot ay mabibili sa ₱35 kada piraso; ₱10 naman ang small habang ang Air Horn ay nasa ₱100 ang kada piraso, at ang adjustable ay ibinebenta ng ₱60 kada piraso.
Gayunman, para makarami ng benta, itinataas na ng ilang nagtitinda ang presyo ng kanilang mga torotot pero inaasahan namang babagsak ang presyo nito bago magsara ang palengke mamayang alas-6 ng gabi. | ulat ni Jaymark Dagala