Mindanao solon, hinikayat ang PhilHealth na pasimplehin ang nakatakda nitong paggunita ng anibersaryo sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang Philippine Health Insurance (PhilHealth) na gawing simple ang nakatakdang paggunita sa anibersaryo nito sa 2025 na aaabot sa halagang P138 million.

Ayon kay Rodriguez, ang halaga na gagastusin sa selebrasyon ay maaari sana gamitin na lang para serbisyuhan ang mga pasyente.

Katunayan, nasa 21,732 na nagda-dialysis na pasyente aniya ang matutulungan nito sa P6,350 per session.

Sabi ng mambabatas, dapat ay tumalima ang PhilHealth sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing simple ang selebrasyon ngayong kapaskuhan.

Ipinunto ng Mindanao solon, na malaking bulto ng gagastusing pondo ng PhilHealth sa kanilang anibersaryo ay para sa mga token at giveaway.

“Anong gagawin ng mga miyembro sa coffee table book o token? Mas kailangan nila ng subsidy sa dialysis, gamot o hospitalization,” ani Rodriguez.

Hirit pa niya na dapat maging matipid ang PhilHealth sa paggastos, lalo at hindi napondohan ang kanilang subsidiya para sa susunod na taon.

“Because of the scrapping of next year’s subsidy, Philhealth will now shoulder the cost of premium for Filipinos who cannot afford to pay for their health insurance,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us