Walang ano mang pagkilos sa minorya sa Kamara para itulak o suportahan ang impeachment complaints na nakahain laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay 1Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, kung may pag uusap man sa minorya ito ay patungkol lang sa kung sino ang naghain, at kung ano ang mangyayari.
Pag amin niya na kumukuha ng suporta ang Makabayan bloc, na kasapi din sa minorya at nag endorso sa ikalawang impeachment complaint, pero wala aniyang pinal na posisyon ang minorya tungkol dito.
Makailang ulit nang nagsabi ang majority bloc ng Kamara, na walang pag-uusap sa kanilang hanay kung susuportahan ang reklamo.
Nasa 23 ang mambabatas na kabilang sa minorya.
“Ah napag-uusapan po ‘to in the sense na it’s news already may nag file, were talking about ano kaya mangyayari dito but it’s not a concerted effort po no. There’s no one movement by the minority block to file and impeachment complaint kung yun po yung tanong eh. But given that members of the minority block that yung Makabayan Block po natin…they’ve already filed the complaint, they’ve been going around po and asking us for support. So in the sense we have talked about the merits but nothing yet that’s formal in the sense na may gumagalaw as one minority po.” ani Gutierrez | ulat ni Kathleen Forbes