Pasisiglahin pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang clearing operations sa Metro Manila ngayong Disyembre.
Inaasahan na ng MMDA ang pagdami ng sasakyan sa lansangan ngayong panahon ng kapaskuhan.
Partikular na pagtuunan ng ahensya ang pagtanggal sa mga iligal na nakaparadang sasakyan at iba pang sagabal sa mga kalsada at bangketa.
Bukod dito, ang iba pang obstruksyon tulad ng iligal na terminal, mga nagtitinda sa bangketa, nakaharang na barangay outpost, ring ng basketball, construction debris at iba pang nakahambalang sa lansangan.| ulat ni Rey Ferrer