Kinansela ng monetary board ang rehistrasyon ng Fil-Express International Remittance & Delivery Services, Inc. bilang Money Service Business
Ayon sa Resolution No. 1209 na inilabas, inaprubahan ng Monetary Board ang pagkansela ng rehistrasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa remittance business.
Ang kanselasyon ay nag-ugat sa paglabag ng Fil-Express sa probisyon o kinakailangan sa ilalim ng Section 901-N ng Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions na may kinalaman sa pagpapatakbo bilang isang Money Service Business.
Ngayong taon, nakapagkansela na ang monetary board ng pitong lisensya mula sa financial institutions. Ito ay ang:
- Appsolutely (crypto license)
- i-Remit (crypto license)
- Foreignex Inc
- Nikko FX
- Atomtrans (crypto license)
- Coinville (crypto license)
- Bexpress (crypto license)
| ulat ni Melany V. Reyes