Balik sa normal na operating hours ang biyahe ng mga tren ng MRT-3 simula ngayong araw, December 26, matapos i-adjust ang revenue hours nito para sa holiday season.
Sa abiso ng MRT, ang unang biyahe ng tren ay muling magsisimula sa 4:30 am, habang ang huling biyahe sa North Avenue Station ay 9:30 pm.
Nagsimula ang biyahe kaninang 5:05 sa Taft Avenue Station at tatagal hanggang 10:09 pm.
Muli namang ipapatupad ang adjusted operating hours sa MRT-3 sa bisperas ng Bagong Taon (December 24 at 31), kung saan ang huling biyahe ng tren mula sa North Avenue ay 7:45 pm, at 8:23 pm naman mula sa Taft Avenue.
Sa araw ng Bagong Taon, January 1, parehong aalis ang mga unang tren mula sa North Avenue at Taft Avenue ng 6:30 am. | ulat ni Marry Ann Bastasa