MRT at LRT, maghahandog ng LIBRENG SAKAY ngayong Rizal Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na planuhing maigi ang kanilang biyahe ngayong Holiday Season.

Kasabay nito, inanunsyo ng DOTr na maghahandog ng LIBRENG SAKAY ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 gayundin ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong araw.

Batay sa anunsyo, magsisimula ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at masusundan ito mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Dahil dito, hindi na kailangang gamitin ang Beep Card sa biyahe at sundin ang mga signage na inilatag para makapag-avail ng LIBRENG SAKAY.

Samantala, una nang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang Number Coding Scheme simula ngayong araw hanggang January 1 ng Bagong Taong 2025. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us