Nakiisa rin ang Lungsod ng Muntinlupa sa isinasagawang “Balik Sigla, Bigay Saya” National Gift Giving Day na ginaganap ngayong araw sa Muntinlupa City Sports Center.
Pinangunahan ni Mayor Ruffy Biazon at ng kanyang maybahay na si Catherine Mary Biazon ang kaganapan, na dinaluhan ng nasa 1,200 kabataan at 1,200 magulang. Kasama rin sa programa ang 100 guro at 100 teacher aides na aktibong tumutulong at nakikiisa ng aktibidad.
Bukod sa pamamahagi ng regalo, nagkaroon din ng mga aktibidad na naglalayong maghatid ng saya, tulong, at inspirasyon sa mga kalahok. May mga palaro na kanina pa nilalahukan ng mga kabataan.
Maliban sa Muntinlupa, lahat ng bayan sa Metro Manila at ibang lalawigan ang nagsasagawa ng kaparehong kaganapan kasama na sa Palasyo ng Malacañang na pangungunahan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.| ulat ni EJ Lazaro
