Naitala ng Pilipinas ang bagong record sa non-tax revenue na aabot sa P555.3 bilyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na malaking tagumpay sa ilalim ng pamumuno ni Finance Secretary Ralph Recto na iangat ang koleksyon sa pamamagitan ng non-tax revenues.

Sa lumipas na mga taon, tumaas ng 45.6% ang kita mula sa non-tax revenue, na naging daan upang mas maraming proyekto at programa ng gobyerno ang maipatupad.

Ayon sa Department of Finance, inaasahan na papalo sa P606.6 bilyon—204.9% na mas mataas ang non-tax revenues para sa 2024.

Ang initiative na ito ay nagbigay-daan sa gobyerno upang magkaroon ng mas maraming pondo para sa iba’t ibang proyekto na direktang nakikinabang ang mamamayan.

Sa tagumpay na ito, napatunayan ng pamahalaan na ang epektibong pamamahala at innovation sa paglikom ng pondo ay kayang magdala ng progreso at pagbabago para sa bawat Pilipino. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us