Nakumpiskang 21 containers na frozen mackerel mula China, kauna-unahang kaso sa ilalim ng RA 12022 o ang anti-Agricultural Economic Sabotage Act ayon kay PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kakasuhan ang mga nasa likod ng pagpupuslit ng P178.5 million na halaga ng frozen mackerel mula China.

Inatasan ng pangulo ang Bureau of Customs at Department of Agriculture na habulin ang mga smugglers ng agriculture goods at sampahan ng kaso.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang isinagawang inspeksyon 21 container van na naglalaman ng frozen na isda sa Manila International Container Port (MICP).

Kasabay nito ang layunin na maisakatuparan ang “zero hunger” at seguridad sa pagkain.

Ang mga isdang ito, na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC), ay pormal na ipinasa sa Department of Agriculture (DA) na siyang ipapahamagi ng DSWD. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us