Ganap nang isang bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa Silangang bahagi ng Mindanao.
Sa ulat ng PAGASA ngayong hapon, huling namataan ang Tropical Depression na pinangalanang #QuerubinPH
sa layong 215 km Silangan Timog-Silangan ng Davao City.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/kada oras at bugso na aabot sa 55 km/kada oras.
Kumikilos ang sama ng panahon sa direksyon ng Timog Timog-Kanluran.
Base sa track and intensity outlook ng PAGASA, kikilos ang bagyo pasilangan timog silangan papalayo ng Davao Region sa susunod na 12 oras.
Babala ng PAGASA na posibleng magdala ng malakas na pag-ulan si TD Querubin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao Regions.| ulat ni Rey Ferrer
