Tinatayang aabot sa humigit kumulang 50 kabahayan ang naabo matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. Barangka Ilaya sa Lungsod ng Mandaluyong kaninang madaling araw.
Inabot ng halos 4 hours ang mga opertiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) gayundin ng mga Fire Volunteer bago tuluyang ideklarang fire out dakong 6:23 AM.
Dalawa ang isinugod sa Mandaluyong City Medical Center kung saan, isang 17 anyos na dalagita ang nagtamo ng 1st degree burn habang isang 21 anyos naman ang nahirapan sa paghinga.
Pinaghahanp naman ang isang 24 anyos na lalaki na sinasabing nangungupahan sa isa sa mga nasunog na bahay.
Ayon kay Brgy. Barangka Ilaya Kagawad, Alex Santiago na isa sa mga rumesponde sa sunog, pahirapan ang paglikas sa mga residente dahil sa napakakitid ng mga eskinita papasok sa lugar na pinangyarihan ng sunog.
Bagaman nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP hinggil sa pinsalang iniwan gayundin sa sanhi ng sunog, itinuturo naman ito sa isang tumumbang kandila dahil nagsimula ang apoy sa isang bahay na naputulan ng kuryente.
Kasalukuyang sumisilong ang mga apektadong residente sa covered court malapit sa lugar ng sunog. | ulat ni Jaymark Dagala