Pinatitiyak ni Navotas Representative Toby Tiangco sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kampanya laban sa pagbebenta ng mga iligal na paputok, lalo na ang mga ibinibenta online.
Paalala niya madiskarte na ngayon ang ilan sa nagbebenta ng paputok kaya dapat maiging mabantayan ang online selling nito.
Umapela rin ang mambabatas sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at kanilang lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa mga gumaganit at nagbebenta ng mga iligal at ipinagbabawal na paputok.
Pawang sobra sa 0.2 grams ng pulbura ang gamit sa mga paputok na ito at wala rin tamang markings gaya ng pangalan at address ng manufacturer.
Kabilang dito ang:
- Piccolo
- Super Lolo
- Atomic Triangle
- Large Judas Belt
- Large Bawang
- Pillbox
- Bosa
- Goodbye Philippines
- Bin Laden
- Mother Rocket
- Lolo Thunder
- Coke In Can
- Atomic Bomb
- Five Star
- Pla-Pla
- Giant Whistle Bomb
- Goodbye Napoles
- Hello Columbia
- Goodbye De Lima
- Super Yolanda
- Kingkong
- Goodbye Bading
- Kabasi
- Hamas
- Watusi
| ulat ni Kathleen Jean Forbes