Arestado ang nasa 7 Chinese National na dating mga POGO workers sa kinasang operation ng National Bureau of Investigations (NBI) sa Parañaque City.
Nag-ugat ang operation matapos may lumapit na isang complainant sa NBI at nais nitong marescue ang isang kaibigan na kasambahay sa Multinational Village sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Sa inisyal na imbistigasyon sa 1st floor lang pwede ang kasambay pero noong napunta siya sa 3rd floor ay dito na ikinulong ng mga suspek ang kasambay.
Matapos matanggap ng NBI ang reklamo noong December 11 ay agad nagkasa ng operation at na-rescue ang biktima.
Dito na rin nadiskubre ng NBI na ang 7 Chinese National ay nago-operate ng catfishing scams, credit cards scams, cryptocurrency scams and fake investment scams at iba pa.
Na-recover sa lugar ang maraming desktop computers, mobile phones, SIM cards, written scripts, at customer ledgers na magsisilbing matibay na ebidensya laban sa mga suspek.
Patong-patong na kaso ang isasampa sa 7 Chinese National kabilang na ang violation of (1) Section 4(a) of RA 11862 or the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022; Computer-related Forgery under Section 4(b) (1) of RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012; Social Engineering Schemes under Section 4(b)(1)) of R.A 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) in relation to RA 10175 and (4) Republic Act 10361 otherwise known as the “Domestic Workers Act” or “Batas Kasambahay.”| ulat ni AJ Ignacio