Pinaghahanda na ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng apektadong electric cooperatives sa pagpasok ng Bagyong #QuerubinPH.
Sa abiso ng NEA-Disaster Risk Reduction amd Management Department, kailangang magpatupad na ng contingency measures ang mga EC upang maibsan ang epekto ng bagyo sa kanilang pasilidad.
Kung kinakailangan ay i-activate na ang kani- kanilang Emergency Response Organizations (EROs).
Kailangan umanong tiyakin ng mga EC ang kahandaan ng kanilang mga kagamitan at buffer stocks para makapagpatupad ng agarang power restorations.| ulat ni Rey Ferrer