Binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mahalaga ang Monitoring and Evaluation bilang kasangkapan, upang matiyak na epektibo at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino ang mga polisiya at programa ng pamahalaan.
Ito ang naging mensahe ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa 11th M&E Forum na ginanap sa Pasay City, kung saan dumalo ang mahigit 300 kinatawan mula sa gobyerno, civil society, akademya, at development partners.
Ayon kay Secretary Balisacan, kailangan pang palakasin ang mga sistema na sumusuporta sa M&E upang lubos na magamit ito bilang instrumento sa pag-unlad.
Dagdag pa niya, mahalaga ang pakikiisa ng lahat ng stakeholders upang maging epektibo ang M&E.
Samantala, tiniyak naman ni UNDP Resident Representative Selva Ramachandran at Australian Ambassador HK Yu ang kanilang patuloy na suporta sa pagpapalakas ng evaluation culture sa pamahalaan. | ulat ni Diane Lear