Naniniwala si Senador Robin Padilla na mapapataas ang antas ng integridad ng mabuting pamamahala at ang pangangalaga sa pagtitiwala ng publiko sa gobyerno sa pamamagitan ng isinusulong niyang panukalang New Auditing Act.
Sa kanyang naging sponsorship speech para sa Senate Bill 2907, pinunto ni Padilla na aamyendahan ng panukalang batas ang Presidential Decree 1445, na nabuo pa noong June 1978 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa ilalim ng panukalang batas, gagawing maging mas opisyal at malinaw ang paggamit ng mga parameters sa pamamaraan ng pag-audit.
Isinama sa depinisyon ng mga termino ang ‘Six Deadly Sins’ sa mata ng COA (Commission on Audit) o ang mga ipinagbabawal na paggasta kung saan kabilang ang (1) excessive expenditures; (2) extravagant expenditures; (3) illegal expenditures; (4) irregular expenditures; (5) unconscionable expenditures; at (6) unnecessary expenditures.
Pinagtibay rin nito ang Organizational Structure ng COA.
Kasama sa karagdagang tungkulin at responsibilidad ng COA Chairperson na ating inilatag ang control and supervision sa pag-audit sa mga foreign-assisted na mga proyekto.
Itinaas rin ang mga kaparusahan at multa sa mga magsasagawa ng paglabag sa ipinapanukalang batas na ito.| ulat ni Nimfa Asuncion