Nakahanda ang National Food Authority (NFA) na magpalabas ng NFA rice kahit ngayong holiday season para tulungan ang mga institusyon sa panahon ng mga kalamidad at emergency.
Ito ang tiniyak sa publiko ni NFA Administrator Larry Lacson sa harap ng ipinapakitang aktibidad ng Bulkang Kanlaon at ang namataang sama ng panahon at mga pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
Ayon kay Lacson, laging bukas ang ahensya upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Pinalakas ng NFA ang mga istratehiya sa pagbili ng palay sa ilalim ng Price Range Scheme para sa kahilingan ng DSWD, LGUS at mga mambabatas para ipamahagi sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Sabi pa ni Lacson, naabot ng ahensiya ang 95% na pag-iimbak ngayong taon at nasa 5.661 million bags ng milled rice ang kasalukuyang reserba sa ngayon.| ulat ni Rey Ferrer