NHA, namahagi ng CELA sa higit 300 benepisyaryo sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 382 kwalipikadong benepisyaryo sa siyam na housing sites sa San Jose del Monte, Bulacan ang nakinabang sa ipinamahaging Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) ng National Housing Authority (NHA).

Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin Feliciano at Region III Manager Minerva Calantuan ang pamamahagi ng CELA sa mga benepisyaryo sa lungsod.

Ayon kay AGM Feliciano, patuloy ang dedikasyon ng pamahalaan, na baguhin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programa sa pabahay.

Nakibahagi rin sa naturang kaganapan sina San Jose del Monte Mayor Alfred Robes at San Jose del Monte Lone District Representative Florida Robes, na nagpahayag ng pasasalamat sa NHA dahil sa mga pagsisikap nitong makatulong sa mga benepisyaryo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us