Hiniling ni Marikina Representative Stella Quimbo sa National Irrigation Administration (NIA) na magsagawa mga pag-aaral kung paano mapapalawig pa ang kanilang Contract Farming Program.
Ani Quimbo, kung nagawa man ng NIA na makapagbenta ng bigas sa halagang ₱29 kada kilo sa ilalim ng programa, maaaring makamit pa rin ang target na ₱20 kada kilo kung ito ay mapapalakas.
Sa ilalim ng Rice Contract Farming Program ng NIA, tinutulungan ang nga magsasaka na mapababa ang kanilang production cost partikular sa irigasyon.
Ngunti sa ngayon ang ₱29 kada kilo ay 25% pa lamang ng kabuuang ani mula sa Contract Farming Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes