Sinasalamin ng P6.326 trillion 2025 National Budget ang hangarin ng pamahalaan na mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino.
Ito ang iginiit ni Speaker Martin Romualdez kasunod ng paglagda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act.
“Today marks a significant milestone as President Ferdinand R. Marcos Jr. signs the P6.326-trillion General Appropriations Act for 2025—a budget that reflects our shared commitment to uplifting the lives of every Filipino and securing a brighter future for all,” ani Romualdez.
Sa paglagda rin aniya ng Pangulo sa pambansang pondo ay matitiyak na magpapatuloy ang operasyon ng pamahalaan habang siniaiguro na matutugunan ang mga prayoridad na programa at proyekto para sa pag unlad ng bansa.
Kinilala din ng House leader ang trabaho ng Kamara sa pagtiyak na ang pambansang pondo ay tutugon sa pangangailangan ng publiko at tatalima sa isang transparent at accountable na pamamahala.
“This budget represents the efficient and responsible use of resources, balancing fiscal discipline with the government’s commitment to improving the quality of life for all Filipinos. It is a critical step toward sustained growth and national development,” dagdag pa ni Romualdez.
Pinasalamatan din ng House Speaker ang Pangulong Marcos sa kanyang pamumuno gayundin ang kasamahan sa Kongreso sa kanilang pagsusumikap.| ulat ni Kathleen Forbes