Simula sa Disyembre 19, 2024 magpapakalat ng dagdag na tauhan ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation sa iba’t ibang lugar sa kahabaan ng NLEX.
Ngayong “Holiday Season” inaasahan na ang kapal ng motorsita na dadaan sa expressway.
Aabot sa 1,500 Traffic at Toll and Systems Personnel ang itatalaga para palakasin ang patrol visibility at toll plaza assistance.
Tatagal ang dagdag na deployment sa NLEX hanggang Enero 6 ng susunod na taon.
Payo pa sa mga motorista ng NLEX, na maging responsable sa pagmamaneho ng sasakyan upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko para sa lahat ng gumagamit sa daan. | ulat ni Rey Ferrer