Patay ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) habang isa pa ang sugatan matapos maka-engkuwentro ng Militar sa Lobo, Batangas.
Kinilala ng Army’s 2nd Infantry Division ang nasawing rebelde na si Rey Delos Santos alyas Roy/Ren, habang sugatan naman ang isa pang kasamahan nito.
Batay sa ulat, nagsasagawa ng routine security operation ang mga tauhan ng 59th Infantry Battalion ng Army nang makasagupa ng mga ito ang grupo ng mga NPA sa Barangay Balibago kahapon ng umaga.
Tumagal ng halos 20 minuto ang bakbakan hanggang sa umatras pabalik sa kabundukan ang mga rebelde at inabandona ang kanilang mga kasamahang nasawi’t nasugatan.
Dalawang matataas na kalibre pa ng baril at mga anti-personnel mines ang nakumpiska ng mga sundalo sa lugar ng engkwentro. | ulat ni Jaymark Dagala