OCD, nagbabala sa banta ng shear line, pagputok ng Bulkang Kanlaon, at lindol sa Ilocos Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatawag ng emergency preparedness meeting si Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel F. Nepomucenoo dahil sa banta ng shear line, pagputok ng Bulkang Kanlaon, at mga lindol sa Ilocos Sur.

Ipinag-utos ni Nepomuceno, na isara ang mga paaralan, ipinatitigil ang konstruksyon, at ipinagbawal ang paninirahan sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone ng Bulkang Kanlaon.

Ibinabala rin ng PHIVOLCS, na maaaring tangayin ng hangin ang abo mula sa Bulkang Kanlaon patungong kanluran at timog-kanluran.

Ito ay matapos na makapagtala ng apat na pagbuga ng abo, 25 volcanic earthquakes, at 1,200 metrong plume na umabot sa Panay Island.

Nagbabala naman ang PAGASA sa malakas hanggang matinding pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region, CALABARZON, at MIMAROPA.

Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at karatig lugar.

Nakapagtala naman ng 186 na lindol sa baybayin ng Ilocos Sur. Posible ang banta ng tsunami kung aabot sa magnitude 6.5 ang lindol sa Manila Trench.

Nagpalala ang OCD at NDRRMC sa publiko na manatiling handa at sumunod sa mga babala ng mga awtoridad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us