Labis na ikinalungkot at ikinabahala ni OFW party-list Rep. Marisaa Magsino ang pagkakasangkot ng isa nating kababayan na household service worker sa Kuwait sa pagkasawi ng anak ng kaniyang amo.
Hiling ni Magsino sa Department of Foreign Affairs at sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na tiyaking mabigyan ng tamang tulong ang ating kababayan, magkaroon siya ng patas na paglilitis, at maprotektahan ang kanyang mga karapatang legal habang tumatakbo ang kaso.
Mahalaga rin ayon sa lady solon ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Kuwait upang maiwasang maapektuhan ang imahe ng mga Pilipino at naiwasang magkaroon ng epekto ang insidente sa mahigit 270,000 Pilipino sa Kuwait, lalo na sa mga naghahanapbuhay bilang mga household service worker.
Sabi pa ni Magsino na ipinapakita nito ang pangagailangan na mabigyan ng mga programa para sa kanilang mental health ang mg OFW gayundin ang legal awareness bago sila ipadala sa ibang bansa. | ulat ni Kathleen Forbes