Sa gitna ng exodus ng mga biyahero ngayong Christmas season, hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga bus companies na ganap nang magpatupad ng online booking system.
Giit ni Pimentel, ito ay para aniya mabawasan ang mga tao at mahabang pila sa mga terminal.
Bukod dito, ang online booking rin aniya ay nagbibigay ng katiyakan sa mga pasahero na mayroon silang ticket at siguradong upuan sa bus. para sa ikagiginhawa ng mga pasahero.
Pinunto ng senador na bagamat marami nang kumpanya ng bus ang nagpapatupad ng online ticketing system, may ilan pa ring nakadepende pa rin sa over-the-counter transactions.
Kaugnay nito, minumungkahi ni Pimentel sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang posibilidad na i-mandato sa mga bus companies ang ganitong online payment para sa terminal fees.
Binigyang diin ng mambabatas na isa ang online booking sa mga paraan para magkaroon ng mas maayos at maginhawang biyahe ang bawat Pilipino. | ulat ni Nimfa Asuncion