Bilang bahagi ng DOTr-LTO Oplan Ligtas Byaheng Pasko 2024, pinaigting ng mga Enforcement Officers ng LTO Region V ang pagpapatupad ng mga batas trapiko nitong Pasko, December 25, 2024.
Layunin ng operasyon na tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada, pati na rin ang maayos na daloy ng trapiko. Kasama rito ang patuloy na inspeksyon sa mga terminal at lansangan sa nasasakupan ng rehiyon.
Bukod dito, namahagi rin ng mga road safety flyers ang mga tauhan ng LTO bilang bahagi ng kanilang information and education campaign upang maitaas ang kamalayan sa kaligtasan sa lansangan.
Patuloy ang paalala ng LTO na sundin ang mga batas trapiko upang maiwasan ang anumang aksidente at mapanatili ang ligtas na biyahe ngayong Kapaskuhan. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay