Pinawi ni Finance Secretary Ralph Recto ang pangamba sa outstanding debt ng Pilipinas na nagkakahalaga ng ₱16 trilyon.
Ayon kay Recto, walang dapat ikabahala dahil ‘on-track’ ang gobyerno sa pag-utang at pagbabayad ng utang.
Paliwanag nito, inaasahan na mas mabilis ang paglago ng ekonomiya kaysa sa utang.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos maitala ang utang ng Pilipinas sa ₱16.02 trillion mark bunsod na din ng paglakas ng dolyar kontra piso.
Sa katunayan, ayon sa DOF chief, bahagyang bumababa na ang deficit sa debt ratio at dahil sa natanggap na credit upgrade mula S&P global patunay na ‘on track’ ang bansa na makamit ang ‘A’ credit rating bagay na maganda sa ekonomiya ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes