P1-M insentibo para sa mga creatives sector na mananalo ng major awards sa international competition, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ngayon ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na mabigyan ng cash incentive ang mga filmmaker, literary writers at iba pang performer sa creative sector na mananalo ng major awards sa international competition.

Sa ilalim ng House Bill 1934 o Artists Incentives Act ang mga magwawagi ng major award sa mga film festival, exhibition at prestihiyosong contest ay bibigyan ng hanggang P1 million na cash incentive.

Habang P500,000 naman ang ipagkakaloob sa mananalo ng special recognition sa mga international competition.

Giit niya, na hindi lang ito paraan para kilalanin ang karangalang dala ng artistic creators ngunit para din mabigyan sila ng motibasyon na pag igihin pa ang sining.

“Our creative industry is brimming with talent. But during these difficult times, it faces many challenges that discourage creators to produce works that truly reflect their artistic vision. Recognizing the international acclaim they have received through incentives could help reinvigorate the creative industry and promote its growth,” sabi ni Yamsuan

Inaasahan din ni Yamsuan, na mapapalakas ng panukala ang una nang naaprubahang Philippine Creative Industries Development Act, para maging globally competitive ang mga pelikulang Pilipino.

Tutukuyin ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Cultural Center of the Philippines (CCP) mga maituturing na “notable and prestigious competitions” na isasama sa programa.

Huhugutin naman ang pondo sa National Endowment for Culture and the Arts. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us