Nakahanda nang ipamahagi ng National Tobacco Administration (NTA) ang P100 million crop production grant sa mga magsasaka ng tabako sa buong bansa para sa cropping year 2024 – 2025.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano, may 16,666 tobacco farmers ang mabibigyan ng tig P6,000 cash assistance bago ang Disyembre 15, 2024.
Sa kabuuang bilang, 9,055 magsasaka ang naitala sa ilalim ng Tobacco Contract Growing System (TCGS) Program ng NTA habang 7,611 ang Non-TCGS Farmers.
Ang mga tatanggap ay natukoy ng NTA base sa itinakdang guidelines at inaprubahan ng NTA Governing Board.
Bago ang aktuwal na distribution ng cash assistance, tinitiyak ng NTA na kumpleto ang requirements ng mga magsasaka at makakapagtanim ng tabako ngayong planting season.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay mula sa Abra, Batac sa Ilocos Norte, Cagayan, Candon Ilocos Sur, Isabela, La Union, Mindanao Pangasinan at Vigan sa Ilocos Sur. | ulat ni Rey Ferrer