Aprubado na mula sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region ang bagong Wage Order sa rehiyon na magbibigay ng P500 dagdag sa buwanang minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Ang nasabing umento sa sahod ay magtataas mula sa kasalukuyang sahod sa P6,500 paakyat sa P7,000 sahod para sa mga domestic workers simula Enero 4, 2025.
Layunin ng naturang wage order na tugunan ang mga pangangailangan at masiguro ang sapat na kita para sa mga kasambahay at sa kanilang pamilya.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board, ang hakbang na ito ay resulta ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng karapatan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga employer.
Pinaalalahanan naman ang mga employer na sumunod sa bagong wage order upang maiwasan ang kaukulang multa at parusa.| ulat ni EJ Lazaro