P6.326-T pambansang budget sa 2025, pinakamakapangyarihang kasangkapan para sa malawakang economic benefits — Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang P6.326 trilyong pambansang budget para sa 2025 ang pinakamahalagang kasangkapan ng pamahalaan upang maihatid ang pinakamalaking economic benefits sa mga Pilipino.

Aniya, magdodoble-kayod ang kanyang kagawaran upang maayos na makalikom ng pondo para dito.

Kaninang umaga nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang General Appropriations Act (GAA) para sa 2025.

Ayon kay Recto, ang budget ay ang sama-samang layunin na gawing makabuluhan ang mga tagumpay ng ekonomiya para sa bawat Pilipino.

Ang tema ng budget para sa 2025 na “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People,” ay nakabatay sa tatlong haligi ng Philippine Development Plan 2023-2028: na naglalayong paunlarin at  protektahan ang kakayahan ng mga indibidwal at pamilya; baguhin ang mga sektor ng produksyon para sa mas maraming trabaho. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us