Dahil sa kawalan ng beneficiary list, ibinalik ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bureau of Treasury ang P658 million budget para sa fourth phase ng Moro Islamic Liberation Front decommissioning process.
Ayon kay DSWD Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Cluster Undersecretary Alan Tanjusay, ang nasabing pondo ay mula sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Nakalaan ito para gamitin sa socio-economic interventions ng mga decommissioned MILF combatants bilang parte ng normalization track sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Kabilang ang DSWD sa Task Force for Decommissioned Combatants and Communities para sa pagbibigay ng tulong tulad ng cash grants, livelihood grants at endorsement for skills training sa mga decommissioned combatants at pamilya nito.
Ang listahan ng mga verified MILF beneficiaries ay isa sa mga requirements ng ahensya upang maibigay ang kinakailangang tulong para sa reintegration process ng mga decommissioned combatants. | ulat ni Rey Ferrer