Suportado ni La Union Rep. Paolo Ortega ang apela ni Senate President Chiz Escudero sa mga senador na iwasan ang pagbibigay pahayag tungkol sa impeachment complaints laban kay bise presidente Sara Duterte para masiguro na walang magiging pagkiling.
Punto ni Ortega, wala namang hukom ang magsasabing pabor sila o hindi sa isang kaso.
Sakali kasing umusad ang impeachment complaint, ang senado ang tatayong tagalitis.
Kaya naman mahalaga aniya ang ginawang paalala ng senate president.
Sa kasalukuyan mayroong dalawang impeachment complaint ang inihain kay Vice President Sara Duterte. | ulat ni Kathleen Forbes