Pag-angkat ng mga buhay na baka at kalabaw mula sa Japan, pansamantalang ipinagbawal ng DA dahil sa Lumpy Skin Disease outbreak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng mga buhay na baka at kalabaw mula sa Japan bunsod ng pagkalat ng Lumpy Skin Disease (LSD).

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalaga ang hakbang na ito upang maprotektahan ang industriya ng local cattle at water bufallo laban sa nasabing virus.

Batay sa ulat ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ng Japan, naitala ang outbreak ng LSD noong November 15 sa Maebaru at Fukuoka.

Kasama sa ban ang unpasteurized na gatas, milk products, embryo, at semilya para sa artificial insemination.

Maliban na lamang sa mga produktong pasado sa Philippine import at health standards gaya ng skeletal muscle meat, casings, gelatin at collagen, tallow o mantika, kuko at sungay, blood meal at flour, at buto ng baka.

Ang LSD ay isang sakit na dulot ng virus na maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon o pagkamatay ng mga hayop. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us