Pinahayag ni Senate Majority leader Francis Tolentino na maituturing na tagumpay ng administrasyong Marcos ang matagumpay na pagpapababalik Pilipinas kay Mary Jane Veloso, ang OFW na matagal nakulong sa bansang Indonesia.
Ayon kay Tolentino, magandang pamasko ito hindi lang para sa pamilya ni Veloso kundi sa mga kababayan nating may parehong sitwasyon sa kanya o sa mga OFW na nagkakakaso sa ibang bansa.
Pagdating naman sa paggawad ng clemency kay Veloso, giniit ng senador na may prosesong kailangang pagdaanan dito.
Ang imporante aniya ay makakabalik na siya ng bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion