Naglabas ng Weather Advisory No. 38 ang PAGASA ngayong umaga, December 5, 2024, kaugnay ng shear line na magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ngayong araw, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan (50-100 mm) sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Apayao, at Kalinga. Bukas, magpapatuloy ang ganitong lagay ng panahon sa Cagayan at Isabela.
Ayon sa PAGASA, maaaring mas mataas pa ang dami ng ulan sa mga kabundukan at mataas na lugar na maaaring magpalala ng epekto lalo na sa mga lugar na kamakailan lamang nakaranas ng pag-ulan.
Pinapayuhan ang publiko at mga tanggapan ng disaster risk reduction and management na maghanda at magpatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng buhay at ari-arian. Maglalabas din ang regional services division ng PAGASA ng mga babala hinggil sa malakas na pag-ulan at thunderstorms kung kinakailangan.
Ang susunod na ulat ay inaasahang ilalabas sa ganap na alas-11 ng umaga ngayong araw. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay