Pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay ng NHA, tinatanggap na sa 7-Eleven kiosk

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinadali pa ng National Housing Authority (NHA) ang pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa
Bayad Inc. upang mapabilang na ang pagbabayad ng amortisasyon sa bahay sa mga digital na serbisyo na maaaring tanggapin sa mga kiosk ng mga 7-Eleven branches sa buong bansa.

Ayon sa NHA, ang inisyatibo na ito ay karagdagang serbisyo sa kasalukuyang ugnayan ng NHA at Maya Philippines Inc., na gumagamit ng Maya app upang tumanggap ng bayad mula sa mga benepisyaryo ng NHA anumang oras at kahit saan na hindi na kailangan pang pumunta sa mga District o Regional Office upang magbayad.

Sa pamamagitan ng pinadaling opsyon sa pagbabayad, layon ng NHA na tulungan ang mga benepisyaryo na mas mabilis na makapagbayad ng kanilang obligasyon at makamit ang ganap na pagmamay-ari ng kanilang mga bahay.

Alinsunod din ito sa mga layunin ng pamahalaan ukol sa digitalization, ayon sa Republic Act (RA) 8792 o ang Electronic Commerce Act of 2000, at RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us