Isang panukala ang inihain ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo para maibenta na rin sa Kadiwa Centers ang mga imported na bigas.
Aamyendahan ng House Bill 11061 ang Agricultural Tariffication Act upang pahintulutan ang distribusyon ng mga imported na bigas na binili ng pamahalaan sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng government-to-government agreements sa mga Kadiwa Store.
Ang halaga naman nito ay katumbas ng presyo kung magkano nabili ang bigas at wala nang iba pang markup o profit margin.
Ipinunto ni Tulfo na sa kabila ng Executive Order No. 62 na nagbabawas sa ipinapataw na taripa sa imported na bigas ay hindi pa rin mapababa ang presyo nito.
Kaya umaasa si Tulfo na sa pagsasabatas ng panukala ay makamit ang nilalayong benepisyo ng tariff reduction at magkaroon ng mas murang bigas para sa mga mamimili. | ulat ni Kathleen Forbes